showbizdailymirror
Showbiz Daily Mirror

Physically, lutang na lutang ang chemistry sa pagitan ng newcomer na si Carla Abellana at ng balik-Kapuso na si Geoff Eigenmann. Marami ang nakapansin nito during the grand launch of Rosalinda sa Studio 5 ng GMA Network Center noong June 30.

An insider, who always stay at the taping of the said show, told PEP (Philippine Entertainment Portal) na halata raw na "attracted" si Geoff sa baguhang aktres. Pero hindi naman ito nakakapagkata dahil masasabing beauty and brains si Carla, having graduated as cum laude sa La Salle.

Nang tanungin ng PEP si Carla tungkol sa attraction ni Geoff sa kanya, kahit halos isang buwan pa lang silang nagkakakilala at nagkakasama, nakangiti itong sumagot na: "Bago pa lang, kakakilala pa lang po namin sa isa't isa and, like I said, may starting point naman po lahat-lahat. So, we're really getting to know about each other. We are starting as friends at open naman po ako sa kanya. Nagkukuwento naman po ako sa kanya, likewise, he tells me a lot of personal things.

"And he's a very nice person. Very, very nice to me," pahabol ng dalaga.

Ano naman ang nagiging pagkakakilala niya sa leading man at masasabing kauna-unahang ka-loveteam niya?

"Okay, magaling po siya bilang isang actor at mabait po siya bilang isang tao at lalaki. He's a good friend, supportive at matulungin in many ways," sagot niya.

Sa pagpasok ni Carla sa showbiz, kasabay na agad nito ang isyung may non-showbiz boyfriend na raw siya—ang Ginebra player na si JC Intal. Gusto ba niyang linawin kung ano ang totoo rito?

"Ako po ay open, available, at willing!" natatawang sabi ni Carla.

So, if ever mag-prosper ang pagkakakilala nila ni Geoff at manligaw ito sa kanya, magugustuhan niya ba ang binata?

"Ay, bakit naman hindi?" sagot niya. "There's nothing not to like kay Geoff. Mabait na tao, e. Basta naman po mabait ang tao, hindi naman po ako mahirap paibigin."

KISSING SCENES & GOING SEXY. Kung pagbabasehan ang original Rosalinda, napakaraming kissing scenes noon nina Thalia at Fernando Carrillo bilang Rosalinda at Fernando Jose, respectively. Kabado na ba siy Carla sa mga gagawin nilang kissing scenes ni Geoff, lalo pa nga't ayon sa kanya, wala pa silang nasu-shoot na ganoong eksena?

"Ay, hindi po ako kinakabahan," sambit ni Carla. "Kasi, wala naman po akong worry kay Geoff. Alam ko naman po na wala siyang bad intention. Mabait po siya. Alam kong gentleman siya, so hindi po ako kinakabahan."

Hindi ba siya nagkaroon ng limitation na sa unang attempt niya sa acting ay may mga kissing scenes na siya?

"Ay, siyempre, meron naman pong kaba," sagot niya. "Pero, tinuruan din po kami ng acting coach namin sa set. May exercises po kami para mawala po yung kabang 'yun."



Will she go sexy eventually?

"Ay, parang hindi pa po. Ayoko pong ma-disappoint ang aking daddy, lalung-lalo na ang aking lola, dahil pangako ko po yun sa kanila, e. Promise ko ho 'yan sa kanila. Kung hindi, naku, ang aking lola!" natatawa niyang sabi.

Ang ama ni Carla ay ang dating matinee idol na si Rey "PJ" Abellana, at lola naman niya ang dating leading lady sa LVN Pictures na si Delia Razon.

Ano ba ang idea niya ng pagpapaseksi?

"You can see me in dresses, no problem, but not in the cover of men's magazine," sagot niya.

Nagsasalita na ba siya nang patapos sa bagay na ito?

0 comments:

Subscribe feeds via e-mail
Subscribe in your preferred RSS reader

Subscribe feeds rss Recent Entries

Advertise on this site Sponsored links

Categories

Sponsored Links

Israel Kamakawiwo'ole's Music Video

My Photos on flickr

Subscribe feeds rss Recent Comments

Technorati

Technorati
My authority on technorati
Add this blog to your faves